http://screenrant.com/top-ten-female-cartoons-girl-animated-series/#utm_source=zergnet.com&utm_medium=referral&utm_campaign=zergnet_93396
GMoundie's Public Diary
Biyernes, Nobyembre 15, 2013
Lunes, Hulyo 22, 2013
S.O.N.A 2013 Full Text
inagawa namin, palagay nila wala kaming ginagawa sa mga isyung ito. Kung
wala pang tangan na datos ang gobyerno at ipagsigawan naming,
"Iimbestigahan namin kayo," di ba't para na rin naming sinabi sa mga
kakasuhan na, "Itago mo na ang lahat ng ebidensya?" Kaya: tutungo tayo
kung saan tayo ituro ng katotohanan; ebidensya ang magdidikta sa ating
mga hakbang.
Nang inihayag nating "walang wangwang," hindi lang natin binaklas ang mga sirena ng mga naghahari-harian sa kalsada; binungkal din natin ang kultura ng katiwalian na noo’y tila nakaugat na sa mga pampublikong institusyon.
Pero magtapatan po tayo: Hanggang ngayon, may ilan pa ring ahensya ng gobyerno na ayaw yata talagang tumino. Nakakadismaya po ang lalim at ang pagsasanga-sanga ng kanilang mga galamay sa ating burukrasya; malingat lang tayo, pihadong may aabusuhin at bibiktimahin na naman sila. Magpangalan na po tayo: sa Bureau of Immigration, paulit-ulit nating pinagsabihang ayusin ang pagbabantay sa ating mga daungan at paliparan. Pero paanong nakalabas ng bansa ang magkapatid na Joel at Mario Reyes, ang mga pangunahing suspek sa pagpaslang kay Gerry Ortega? Bakit nangyari pa rin na kitang-kita sa mismong CCTV ang pagtakas ng Koreano na si Park Sungjun? Wanted po siya sa Korea, at nanghingi ng tulong ang kanyang gobyerno upang hulihin siya. Anong mukha naman po ang ihaharap natin gayong mismong mga kawani ng ating gobyerno ang hinayaan siyang makatakas?
Nakakatuyo din po ng pasensya ang kultura ng "pwede na" sa NIA. Imbes na maglatag ng plano para sa mga bagong patubig, kuntento na sila sa paulit-ulit na rehabilitasyon ng mga irigasyon. Masabi lang na may nagawa, kahit puro patsi-patsing trabaho, masaya na sila. Noon nga pong kanilang anibersaryo, itinanong ko kung bakit nasa 60 percent lang ng kanilang target ang naabot noong 2012, kung umabot na sila sa 87 percent noong 2011. Kinabukasan, nagkita kami ng kanilang pinuno sa NEDA Board meeting. Ang palusot niya, 40 percent daw po kasi ng target nila ay nasa Mindanao, at tinamaan ng bagyong Pablo. Kailan po ba tumama ang Pablo? Noong unang linggo ng Disyembre. Ibig sabihin, binalak niyang tapusin ang 40 percent ng kanyang trabaho para sa taon, sa loob lamang ng tatlong linggo. Hindi po natin kailangan ng ganitong uri ng pamamahala sa loob ng burukrasya.
Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito? Kulang na lang ay sabihin nilang, "Wala akong pakialam kung mapunta sa masasamang loob ang armas; wala akong pakialam kung ilang buhay ang masira ng droga; wala akong pakialam kung habambuhay na matigang ang mga sakahan. Ang mahalaga, yumaman ako; bahala ka sa buhay mo." Hindi maaaring ganito ang kalakaran sa pamahalaan. Kung hindi mo nagagawa ang iyong trabaho, hindi ka karapat-dapat na manatili sa pwesto.
Kung matino kang kawani ng BI, ng NIA, ng Customs, o ng kahit ano pang ahensya ng gobyerno, sana makiambag ka pa lalo. Hindi sapat na yumuko sa loob ng cubicle; bahagi ng trabaho mo ang pagpigil sa mali. Nasa tama kayo, kaya’t huwag po kayong magtago; padaliin ninyo ang pagnanais kong mahanap kayo; paaangatin ko kayo nang paaangatin upang ibandila ang inyong mabuting ehemplo, at mabago na ang maling kultura sa inyong mga ahensya.
At para naman po sa mga kawaning walang balak tumalikod sa kulturang wangwang: Tapos na ang pakikiusap. Nagkaroon kayo ng tatlong taon para ipakitang handa kayong umayos; ngayon, hahanapin ko kayong lahat; ngayon, pasensyahan tayo.
Isabay na rin po natin sa pagbabago ang mga tiwaling CESO. Panahon pa lang po ng nanay ko, narinig ko na ang hirit na, “Ano ngayon kung utos ng MalacaƱang? Anim na taon lang naman kayo diyan.” Kailangan pong itama ang ganitong klaseng pag-iisip. Nananawagan po ako sa Kongreso: suriin natin ang ating Civil Service Code at PD 1, upang maisaayos ito sa lalong madaling panahon. Suportado ko ang pagbuo ng mekanismong magbabalik sa dangal ng serbisyo-publiko; na tanging mga tapat, mahuhusay at may prinsipyong mga lingkod-bayan lamang ang maaaring makapasok at manatili sa gobyerno.
Ngayon naman po, hayaan natin ang ating mga kababayang magpahayag ng transpormasyong nangyayari sa lipunan:
[VIDEO BREAK]
Ni minsan, hindi naman nagkulang ang bansa natin ng mga taong handang manindigan at lumaban, kahit gaano pa kalaki ang mga pagsubok sa kaniyang harapan. Nariyan ang tapang na ipinamalas ni Commodore Ramon Alcaraz noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lulan ng isang Q-Boat na yari sa kahoy, sinagupa niya ang siyam na Zero fighter ng hapon, na itinuturing noon na isa sa pinakamodernong eroplano; tatlo nito ang napabagsak niya. Ang totoo nga po, tuluy-tuloy pa rin siyang lalaban, kung hindi pa ang sarili niyang mga pinuno ang nag-atas sa kanyang sumuko. Ang kagitingang ito ang araw-araw ding ipinapamalas ng mga sundalo nating nagtatanod sa mga pinakaliblib na kabundukan, at sa pinakamalalayo nating isla; mga kawal na tinitiis ang layo sa pamilya, at taas-noong naninindigan sa sinumang sumusubok sa ating soberanya. Hindi rin po kalabisang isiping ang mga tagumpay natin sa tuwid na daan ay maaaring pangarap pa rin hanggang ngayon kung wala ang mga miyembro ng ating Gabinete. Nang inalok ko silang maging bahagi ng ating pamahalaan, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang trabaho. Subalit maituturing na biyaya na tinanggap nila ang hamon, nanumpa silang tutulong sa transpormasyon, at simula't sapul, araw-araw silang nagsasakripisyo upang hindi masayang ang pribilehiyong paglingkuran kayo.
May mga katulad ni Kalihim Albert del Rosario. Kung ibabase sa tradisyon, ang unang opisyal na biyahe sa labas ng Pilipinas ng isang kalihim ay sa mga bansang may matibay at mapayapa tayong ugnayan. Ngunit pagkatapos niyang manumpa bilang Foreign Affairs Secretary, kumuha lang yata ng pambihis, lumipad agad si Secretary del Rosario patungong Libya; dumaan sa mahigit dalawampung checkpoint sa gitna ng putukan, at pinamunuan ang paglikas ng mahigit dalawampung libong Pilipino na naipit sa kaguluhan sa Libya. Baka po magulat kayo pag narinig ninyo kung taga-saang bansa ang mga banyagang nakiangkas pa sa ating paglilikas. Iba na nga po ang Pilipinas ngayon: Imbes na tayo lang ang tulungan, ngayon, kaya na rin nating tumulong.
Kung tutuusin, maaari namang tanggihan ni Secretary Albert ang pagtatrabaho sa gobyerno. Isa siyang respetado’t matagumpay na negosyante, at tiyak na mas magiging komportable siya sa pribadong buhay. Dati na rin po siyang nakiambag bilang ambassador sa Amerika. Puwede naman siyang nadismaya nang pababain siya sa puwesto, dahil tinutulan niya ang pagdeklara ng State of Emergency ng nakaraang administrasyon noong 2006. Pero tinawag po natin siya para bumalik, at tumugon siya. Ngayon po, nagbibigay siya ng mas malaki pang ambag bilang kalihim. Handa niyang ilagay ang sarili sa panganib, dahil alam niyang walang ibang sasaklolo sa Pilipino kundi ang kapwa rin Pilipino. Sa patuloy mong paninindigan para sa ating karapatan, saludo po ako sa inyo, Secretary Albert del Rosario.
Transpormasyon din po ang dulot ng inspirasyong hatid ng matitinong lingkod-bayan. Nagluksa ang milyun-milyong Pilipino sa pagpanaw ni Jesse Robredo. Sa loob ng halos dalawang dekada, namuno siya nang may husay, malasakit, at pagpapakumbaba sa Naga. Ang mga prinsipyong ito nga mismo ang dahilan kung bakit hiniram natin siya mula kay Congresswoman Leni, sa tatlo nilang mga anak, at sa mga NagueƱo, upang maging bahagi ng ating Gabinete. Kaya nga po, matapos ang trahedya, isa na siguro sa pinakamahirap na tungkuling ginampanan ko ang paghahatid ng balita kina Leni.
Bukod sa pagluluksa, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa sinapit ni Jesse. Baka kung hindi ko siya hinikayat mapabilang sa Gabinete, buhay pa siya ngayon. Baka kung nanatili na lamang siya sa Naga, kapiling pa natin siya. Subalit sa isang banda, alam kong hindi hahayaan ni Jesse na tumigil sa kanya ang pagbabago at pagtutuwid ng lipunan. Nabigyan lamang ako, at nabigyan din lamang si Jesse, ng pagkakataong maglingkod sa bansa dahil sa inyo. Hindi nag-iisa ang mukha ng pagbabago. Hindi na aabutin pa ng isandaang taon bago isilang ang susunod na mabuting tao, bago tumindig ang susunod na mabuting Pilipino.
May mga nagtatanong nga po lagi sa akin: Paano na sa 2016? Paano pag bumaba ka na? Tapos na rin ba ang tapat na pamamahala? Tapos na ba ang tuwid na daan?
Mga Boss, isipin nga po natin: Saan ba tayo nagmula? Kung may agam-agam kayo ngayon, ano ba naman ito kumpara sa agam-agam natin noong 2010? Di ba't masaya na tayo noon na tapos na ang panahon ng kadiliman? Di ba't noon, sapat nang mapalitan ang mga nasa kapangyarihan?
Ngayon, tinatamasa na natin ang pagbabago. Mula ito sa mga butil ng malasakit, ng pakikipagkapwa, ng pagkakawang-gawa; nanggaling ito sa milyun-milyong Pilipinong kahit sa pinakapayak na paraan, ay nagkusang makiambag sa transpormasyon ng bansa.
Sa pag-aambagang ito, tingnan ninyo ang ating narating: May nakaisip bang magiging abot-kamay na ang kapayapaan sa rehiyong apatnapung taon nang pinupunit ng hidwaan? Di ba't gawa ito ng mga Morong handang magbaba ng armas at sinabing, halika, mag-usap na tayo, nagtitiwala ako? Di ba't gawa ito ng karaniwang mamamayang nagsabing, Kapatid, pareho tayong Pilipino, tama na ang gulo?
Nang unang iminungkahi ang Pantawid Pamilya, nariyan ang tanong: Paanong maaabot ang kailangan nitong epekto; nasaan ang pondo para masaklaw ang lahat ng maralitang Pilipino? May nag-akala bang, matapos lamang ang tatlong taon, aabot sa halos apat na milyong kabahayan ang magiging benepisyaryo nito? At di ba't sila rin—ang bawat inang gumigising nang maaga para ipaghanda ang anak niyang papasok sa eskuwela, ang bawat batang nag-aaral nang mabuti—di ba’t sila rin ang nakiambag at patuloy na nakikiambag para magtagumpay ang programang ito?
May nag-akala bang mula sa pag-aangkat ng milyun-milyong toneladang bigas, sa pagtatapos pa lang ng 2012 ay 94 percent rice self-sufficient na tayo? May nag-akala bang ang dating “Sick Man of Asia,” sa loob lamang ng tatlong taon ng tapat na pamamahala, nasa investment grade status na? Sino nga po ba ang nag-isip na maipapatupad ang lahat ng serbisyong panlipunan natin ngayon, nang di nagtataas ng buwis maliban sa Sin Tax? Di ba't nakiambag dito ang bawat accountant, doktor, abugado, na ngayon ay nagbabayad na ng tamang buwis? Di ba't nakiambag tayong lahat dito?
May puwang pa ba para sa mga agam-agam? Ngayon pa bang natutupad na ang mga dating ni hindi natin magawang pangarapin, ngayon pa bang nakausad na tayo, at abot-kamay na ang ating mga hangarin-- Boss, ngayon pa ba tayo magdududa?
Sa bawat Pilipinong nagtitiwala sa kapangyarihan ng maliliit na anyo ng kabutihan: Kayo nga po ang gumawa ng pagbabago. SONA po ninyo ito.
Sa bawat gurong bumabangon nang madaling-araw para magturo sa kanayunan: SONA mo ito. Sa bawat pulis na nagsilbi at hindi nanghingi ng kapalit: SONA mo ito.
Sa mga hindi panatag sa listahan ng mga tatakbo sa halalan, at kinatok ang kapitbahay para sabihing, "Huwag tayong makuntento, magtulungan tayong humanap ng karapat-dapat na pinuno," SONA mo ito.
Sa bawat estudyanteng mulat sa mga napapanahong isyu sa lipunan, at sa halip na magreklamo lang sa Facebook ay nagmumungkahi ng solusyon: SONA mo ito.
Kay Brigadier General Ramon Mateo Dizon, paretirong pinuno ng Presidential Security Group, na kasama ko na noon pa, laban sa mga kudeta noong panahon ng nanay ko: Hanggang sa aking pagkapangulo, pinangalagaan mo ang seguridad ko, pati na ng personal at opisyal kong pamilya. Buong kumpiyansa akong pumunta, sa ibang bansa man o sa mga liblib na sulok ng Pilipinas. Chito, nakiambag ka rin sa pagbabago; tunay kang tapat sa watawat, sa Saligang Batas, at sa sambayanang Pilipino. Siyempre, kung di ka inalalayan ng iyong butihing maybahay na si Jo-ann, hindi mo naabot ang iyong mga tagumpay. SONA rin ninyo ito.
At sa lahat ng mga gumising sa nagtutulug-tulugan, sa mga nagmulat sa mga nagbubulag-bulagan, sa mga kumalampag sa mga nagbibingi-bingihan: SONA ninyo ito.
Mahaba pa ang ating lalakbayin, at hindi natin kailanman sinabing madali o walang mga hadlang sa landas na ito. Subalit wala akong duda sa kakayahan nating lampasan ang anumang barikada. Hindi tsamba ang mga tagumpay na tinatamasa natin ngayon; huwag tayong papayag na maging panandalian lamang ang transpormasyon. Samantalahin natin ang pagkakataon upang gawing permanente ang pagbabago.
Ito po ang ating ikaapat na SONA. Noong ako’y Congressman, ang mga taga-Tarlac ang aking lakas; nang ako’y maging Senador, at hanggang ngayon, sa aking pagkapangulo, nariyan ang sambayanan—Pilipinas, kayo ang aking lakas. Sa patuloy nating pag-aambagan at pananalig sa kapwa at sa Maykapal, sinasabi ko po sa inyo: Kayo pa rin ang sisigurong magpapatuloy ang ating nasimulan; kayo ang sisigurong mabubura na nang tuluyan ang mga mukha ng katiwalian; kayo ang sisigurong hinding-hindi na tayo muling lilihis sa tuwid na daan.
Sinabi po sa akin dati: Noynoy, simulan mo lang. Sinimulan nga po natin, at ngayon, kitang-kita na ang layo ng ating narating. Ngayon, Pilipino, ituloy natin ang pagkakapit-bisig, sabay nating arugain, pabilisin, at palawakin ang transpormasyon ng lipunan. Ako po si Noynoy Aquino; ipinagmamalaki ko sa buong mundo: Pilipino ako. Napakasarap maging Pilipino sa panahong ito.
Maraming salamat po.
Copied from Here

Lunes, Pebrero 4, 2013
Miyerkules, Disyembre 26, 2012
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)